16 December 2008

Darating Din Siya

Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
Pagtitiyaga at tiwala ay kailanagan
Upang ito’y iyong makamtan

Magtatagpo kaya ating daan
Magkakasalubong kalian kaya?
Ikaw ba ay nasaan?
Bakit ba tayo di magkatagpo?

Maghihintay ako gaano man katagal
Kahit na oras ay kay bagal
Ako’y patuloy na magdarasal
Dahil ikaw ang aking mahal

Darating ka ba kalian kaya?
Maghihintay ba ako at aasa?
Masisilayan pa ba kita?
O tuluyang iwaglit sa alaala?
Hanggang kalian ako maghihintay
Na matapos ang iyong paglalakbay

Nag-aabang ako sa’yong pagdating
Maririnig baa king tinig?
Nababanaag ba aking daing?
Gusto ay init sa gabing malamig

Darating ka din, iyon ang alam ko
Handing maghintay itong aking puso
Para lang maramdaman pag-ibig mo